Friday, April 23, 2010

"Mga Batang Batibot Tayo Na!!"

Batibot

I'm a certified batibot kid!
Naalala ko nung bata pa ko lagi kong pinapabuksan ang tv namin kay nanay upang makapanood lang ng Batibot. Hindi kumpleto ang araw kung walang batibot! Nakaka-miss! miss ko na si pong pagong at kiko matsing... ibang-iba na mga shows ngayon sa TV kumpara sa mga shows dati.
Sino ba naman ang hindi nakakaalam nyan? ito na ata ang naging bukang bibig ng mga BATANG BATIBOT na tulad ko. Naiisip ko lang kasi na ang laki ng epekto nito sa aking pagkabata at marami rin akong napulot sa munting palabas na ito noong mga araw na iyon. Kung aalahanin ko pa yung mga araw na iyon, matapos ang palabas sama-sama kaming magkakaibigan magpunta sa aming ginawang bati-batibutan, kung saan ako si kuya bodjie at ang ilang kaibigan ko ang gumaganap na ate shena, ate isay, kuya ching, kiko matching at pong pagong. ikaw may alala ka pa ba tungkol sa Batibot? ok cge tutulungan kitang alalahanin ang mga eksenang nakakatuwa at sarap balik balikan! Isa-isahin natin ang mga masasayang alala na ibinigay sa atin na hanggang sa ngayon eh sariwa pa sa aking alala!

“Kami ay kaibigan, kaibigan n’yo Laging handang magpakwela sa inyo"
Sino ba ang makakalimot ng linyang ito? na hanggang sa ngayon ay madalas natin sabihin sa ating mga kaibigan. Una nating nasaksihan ang Batibot noong 1984, ito po ang pinoy counter part ng Sesame Street na sikat na sikat din noong panahon ko. Maraming natuwa hindi lang mga batang tulad ko pati na rin ang mga matatanda at pagkatapos ng kanilang unang salang sa telebisyon ay maganda naman ang naging resulta nito dahil ito ay naging patok sa panlasa ng mga batang tulad ko!

“Mga bata sa Batibot, maliksi, masigla “
Sino ba naman ang hindi magiging maliksi at masigla dahil sa mga kwelang kwela nilang palabas. Ayos na ayos sa panlasang pinoy. Anu ba ang hilig sabihin ng BATIBOT? alam ko maraming naging ibig-sabihin ang salitang ito at ang iba pa sa mga ito eh X-rated ang naging dating, kung saan binaboy ng Alamid ang kantang ito. Batibot = Maliit at Masigasig!

“Alin, alin, alin ang naiba? Sabihin kung alin ang nag-iba! “
Dito muna tayo unang natuto ng mga bagay bagay, tulad ng bumilang, kumanta, alamin ang mga alpabeto, mga kulay at kung anu ano pa. Ito ang naging una nating guro para malaman ang mga bagay na iyan, sa totoo lang nagbigay ito ng isang pambihirang pundasyon para sa pagpasok natin sa paaralan. Ang saya talaga ng tropang Batibot, simula kina Pong Pagong, Kay Kiko Matching, sina ate Chena at KUya Bodjie hanggang kina Irma daldal, Ning-Ning at Ging-Ging at ang mga iba pang mga Puppet na lubos nating kinagiliwan.

Ilang taong din natin sila nakapiling tuwing umaga, hanggang sa dumating ang hindi natin inaasahan at sila ay mamamaalam na sa ere at sa ayaw man natin sa gusto ay talagang nilisan na tayo ng tropang ito. Sa totoo lang isa ako sa mga nalungkot dahil sa pangyayaring iyon.

Sa kabilang banda, naisip ko nalang na walang permanente sa mundong ito (tingnan nyo dahil dun eh naisip ko ung mga bagay na iyon) at kung tatanungin mo ako sa ngayon eh gustong gusto ko pa rin sila mapanuod at makapiling hindi lamang para sa akin sarili kundi gusto ko rin maranasan ng mga bata ngayon kung ano ang Batibot at sino sino cla. Kasi kung tatanungin mo ngayon ang mga bata hindi na nila kilala sila Pong Pagong o si Kiko Matching.

Sana nga minsan maisip nilang muling buhayin ang tropang Batibot na lubos na nagpasaya sa atin at hindi lang ito ay matatawag pa nating sariling atin! Kahit sana i-replay nila yung datring show, tiyak na tatangkilikin yan ng mga bata ngayon, tingnan nyo si Jollibee..

Lets see kung di kayo matawa at bigla na lang nyo maalala yung mga batibot days scene at line nila...
MANANG BOLA: "Perlas na bibog, wag tutulog-tulog. Sabihin sa akin ang sagot! Ba...BeBi,,BoBu!
NING-NING AT GING-GING: Baha noon... nawala ang sinelas ni NING -NING, si GING-GING ang galing! nahanap nya!
IRMA DALDAL: "Isda da da isda...Isda da da isda..."
KIKO MATCHING: "Tinapang bangus..tinapang bangus..masarap ang tinapang bangus.."
"Alin, alin, alin ang naiba? Isipin kung alin ang naiba. Isipin, isipin, isipin, isipin kung alin... isipin kung alin ang naiba!?"
ATE ISAY: "Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo..laging handang tumulong sa inyo!"
"Kung hindi pwede minsan...subukan..kung ang kasunod ay hindi pa rin..ulitin"
"Kandi-kandirit..kumadi-kandirit..kandi-kandirit..kandi-kandirit.."

No comments:

Post a Comment