Friday, April 23, 2010

"BALIKTANAW"

mga Kakatuwang kwento nila Nanay at Tatay
Kadalasang iniisip ng sinundan nating henerasyon na mas mahirap ang buhay na dinanas nila noon kumpara sa buhay natin sa ngayon. Minsan, nakakatawang marinig kung paano ang buhay nila noon ay maikumpara sa ating henerasyon.
Narito ang ilan sa kadalasang naririnig, binabanggit, paalala ng ating mga magulang noong sila ay mga bata pa.
“Nung araw, mga bata pa kami, wala pang OFW kasi equal pa ang peso sa dolyar!”
“Nung araw, ang pagdisiplina sa amin, palo sa puwet. Ngayon, makanti mo lang, Bantay Bata agad!”
“Noong bata pa kami, alam mo bang noong panahon ng Hapon, ‘runner’ ako ng mga guerilla. Kaya kung sa takbuhan din lang, di ka uubra sa akin!”
“Wag ka ngang magreklamo sa baon mo. Nung araw nga, kamote lang ang baon ko, nilalanggam pa!”

“Noong kabataan namin, kapag binato ka ng pandesal sa ulo, magbubukol. Ngayon, ni hindi ka matitinga sa liit ng pandesal, puro hangin pa ang laman. Kaya isang utot lang, gutom ka na ulit!”
Nung panahon namin, makita lang ang sakong namin, malandi na kami. Ngayon, nakalabas na kuyukot ng puwet, pero bale wala lang.”
“Noong panahon namin preso lang ang nagpapatato!”
“Noong araw, ang mga dalaga, pag nadikitan mo ang siko, pakakasalan mo na! Ngayon, buntis muna, bago pag-iisipan kung papakasalan.”
“Nung kapanahunan namin, ang sinasabi sa amin, ‘Mga anak, alas-sais na, orasyon na!’ Pero ngayon, ang maririnig mo, ‘Yehey, 6 0′clock na, Deal or No Deal na!’”
“Nung kapanahunan namin, ang mga batang nagising ng ala-sais ng umaga, batugan na!”
“Nung nag-aaral pa ko, kailangan ko munang hintayin ang kapatid kong umuwi, kasi suot pa niya ang unipormeng isusuot ko.”
“Nung araw, kailangan naming tawirin ang dalawang bundok, tatlong palayan, at limang ilog makapasok lang ng paaralan.”
“Noong panahon namin, bago ka sagutin ng babae, kailangan mo munang magsibak ng kah0y at mag-igib ng tubig. Ngayon, bigyan mo lang ng load, mapapa-oo mo na!”
“Noong bata pa kami, pinapagtago kami ng mga magulang namin kapag dumadaan ang mga Hapon. Ngayon, maririnig mong madalas, ‘Mga hija, mag-ayos na kayo, nandyan na sila Papa-San!”
“Nung panahon namin, pagkagat ng dilim, kailangan nasa bahay ka na. Ngayon pag dumilim, saka kayo nawawala.”
“Nung ako ang nag-aaral at nasira ang sapatos ko, tatahiin ko yun ng puting sinulid at ikakaskas ko sa puwet ng kawali para maging kulay itim.”
“Nung panahon namin, ang babae nauunang idulog sa altar bago bulog. Ngayon baliktad na, bulog muna bago dulog!”
“Nung panahon namin walang Linkin Park. Hanggang Luneta Park lang kami!”
“Nung araw, wala kaming mga napkin! Yung napkin namin ay katsa. Nilalabhan namin pagkatapos gamitin.”
“Noong kapanahunan namin, dumadayo pa kami ng Bocaue, Bulacan para makahanap ng chicks. Ngayon, sa Quezon Avenue lang, marami na!”
“Nung kapanahunan namin, mas malaki ang panty kesa sa panyo, ngayon, baligtad!"
“Noon, kailangan hawiin ang panty bago makita ang puwet. Ngayon, kailangan hawiin ang puwet bago makita ang panty! "

No comments:

Post a Comment