Sunday, May 2, 2010

Malia wIth BIdam

MPC CS2A

Friday, April 23, 2010

"Mga Batang Batibot Tayo Na!!"

Batibot

I'm a certified batibot kid!
Naalala ko nung bata pa ko lagi kong pinapabuksan ang tv namin kay nanay upang makapanood lang ng Batibot. Hindi kumpleto ang araw kung walang batibot! Nakaka-miss! miss ko na si pong pagong at kiko matsing... ibang-iba na mga shows ngayon sa TV kumpara sa mga shows dati.
Sino ba naman ang hindi nakakaalam nyan? ito na ata ang naging bukang bibig ng mga BATANG BATIBOT na tulad ko. Naiisip ko lang kasi na ang laki ng epekto nito sa aking pagkabata at marami rin akong napulot sa munting palabas na ito noong mga araw na iyon. Kung aalahanin ko pa yung mga araw na iyon, matapos ang palabas sama-sama kaming magkakaibigan magpunta sa aming ginawang bati-batibutan, kung saan ako si kuya bodjie at ang ilang kaibigan ko ang gumaganap na ate shena, ate isay, kuya ching, kiko matching at pong pagong. ikaw may alala ka pa ba tungkol sa Batibot? ok cge tutulungan kitang alalahanin ang mga eksenang nakakatuwa at sarap balik balikan! Isa-isahin natin ang mga masasayang alala na ibinigay sa atin na hanggang sa ngayon eh sariwa pa sa aking alala!

“Kami ay kaibigan, kaibigan n’yo Laging handang magpakwela sa inyo"
Sino ba ang makakalimot ng linyang ito? na hanggang sa ngayon ay madalas natin sabihin sa ating mga kaibigan. Una nating nasaksihan ang Batibot noong 1984, ito po ang pinoy counter part ng Sesame Street na sikat na sikat din noong panahon ko. Maraming natuwa hindi lang mga batang tulad ko pati na rin ang mga matatanda at pagkatapos ng kanilang unang salang sa telebisyon ay maganda naman ang naging resulta nito dahil ito ay naging patok sa panlasa ng mga batang tulad ko!

“Mga bata sa Batibot, maliksi, masigla “
Sino ba naman ang hindi magiging maliksi at masigla dahil sa mga kwelang kwela nilang palabas. Ayos na ayos sa panlasang pinoy. Anu ba ang hilig sabihin ng BATIBOT? alam ko maraming naging ibig-sabihin ang salitang ito at ang iba pa sa mga ito eh X-rated ang naging dating, kung saan binaboy ng Alamid ang kantang ito. Batibot = Maliit at Masigasig!

“Alin, alin, alin ang naiba? Sabihin kung alin ang nag-iba! “
Dito muna tayo unang natuto ng mga bagay bagay, tulad ng bumilang, kumanta, alamin ang mga alpabeto, mga kulay at kung anu ano pa. Ito ang naging una nating guro para malaman ang mga bagay na iyan, sa totoo lang nagbigay ito ng isang pambihirang pundasyon para sa pagpasok natin sa paaralan. Ang saya talaga ng tropang Batibot, simula kina Pong Pagong, Kay Kiko Matching, sina ate Chena at KUya Bodjie hanggang kina Irma daldal, Ning-Ning at Ging-Ging at ang mga iba pang mga Puppet na lubos nating kinagiliwan.

Ilang taong din natin sila nakapiling tuwing umaga, hanggang sa dumating ang hindi natin inaasahan at sila ay mamamaalam na sa ere at sa ayaw man natin sa gusto ay talagang nilisan na tayo ng tropang ito. Sa totoo lang isa ako sa mga nalungkot dahil sa pangyayaring iyon.

Sa kabilang banda, naisip ko nalang na walang permanente sa mundong ito (tingnan nyo dahil dun eh naisip ko ung mga bagay na iyon) at kung tatanungin mo ako sa ngayon eh gustong gusto ko pa rin sila mapanuod at makapiling hindi lamang para sa akin sarili kundi gusto ko rin maranasan ng mga bata ngayon kung ano ang Batibot at sino sino cla. Kasi kung tatanungin mo ngayon ang mga bata hindi na nila kilala sila Pong Pagong o si Kiko Matching.

Sana nga minsan maisip nilang muling buhayin ang tropang Batibot na lubos na nagpasaya sa atin at hindi lang ito ay matatawag pa nating sariling atin! Kahit sana i-replay nila yung datring show, tiyak na tatangkilikin yan ng mga bata ngayon, tingnan nyo si Jollibee..

Lets see kung di kayo matawa at bigla na lang nyo maalala yung mga batibot days scene at line nila...
MANANG BOLA: "Perlas na bibog, wag tutulog-tulog. Sabihin sa akin ang sagot! Ba...BeBi,,BoBu!
NING-NING AT GING-GING: Baha noon... nawala ang sinelas ni NING -NING, si GING-GING ang galing! nahanap nya!
IRMA DALDAL: "Isda da da isda...Isda da da isda..."
KIKO MATCHING: "Tinapang bangus..tinapang bangus..masarap ang tinapang bangus.."
"Alin, alin, alin ang naiba? Isipin kung alin ang naiba. Isipin, isipin, isipin, isipin kung alin... isipin kung alin ang naiba!?"
ATE ISAY: "Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo..laging handang tumulong sa inyo!"
"Kung hindi pwede minsan...subukan..kung ang kasunod ay hindi pa rin..ulitin"
"Kandi-kandirit..kumadi-kandirit..kandi-kandirit..kandi-kandirit.."

"BALIKTANAW"

mga Kakatuwang kwento nila Nanay at Tatay
Kadalasang iniisip ng sinundan nating henerasyon na mas mahirap ang buhay na dinanas nila noon kumpara sa buhay natin sa ngayon. Minsan, nakakatawang marinig kung paano ang buhay nila noon ay maikumpara sa ating henerasyon.
Narito ang ilan sa kadalasang naririnig, binabanggit, paalala ng ating mga magulang noong sila ay mga bata pa.
“Nung araw, mga bata pa kami, wala pang OFW kasi equal pa ang peso sa dolyar!”
“Nung araw, ang pagdisiplina sa amin, palo sa puwet. Ngayon, makanti mo lang, Bantay Bata agad!”
“Noong bata pa kami, alam mo bang noong panahon ng Hapon, ‘runner’ ako ng mga guerilla. Kaya kung sa takbuhan din lang, di ka uubra sa akin!”
“Wag ka ngang magreklamo sa baon mo. Nung araw nga, kamote lang ang baon ko, nilalanggam pa!”

“Noong kabataan namin, kapag binato ka ng pandesal sa ulo, magbubukol. Ngayon, ni hindi ka matitinga sa liit ng pandesal, puro hangin pa ang laman. Kaya isang utot lang, gutom ka na ulit!”
Nung panahon namin, makita lang ang sakong namin, malandi na kami. Ngayon, nakalabas na kuyukot ng puwet, pero bale wala lang.”
“Noong panahon namin preso lang ang nagpapatato!”
“Noong araw, ang mga dalaga, pag nadikitan mo ang siko, pakakasalan mo na! Ngayon, buntis muna, bago pag-iisipan kung papakasalan.”
“Nung kapanahunan namin, ang sinasabi sa amin, ‘Mga anak, alas-sais na, orasyon na!’ Pero ngayon, ang maririnig mo, ‘Yehey, 6 0′clock na, Deal or No Deal na!’”
“Nung kapanahunan namin, ang mga batang nagising ng ala-sais ng umaga, batugan na!”
“Nung nag-aaral pa ko, kailangan ko munang hintayin ang kapatid kong umuwi, kasi suot pa niya ang unipormeng isusuot ko.”
“Nung araw, kailangan naming tawirin ang dalawang bundok, tatlong palayan, at limang ilog makapasok lang ng paaralan.”
“Noong panahon namin, bago ka sagutin ng babae, kailangan mo munang magsibak ng kah0y at mag-igib ng tubig. Ngayon, bigyan mo lang ng load, mapapa-oo mo na!”
“Noong bata pa kami, pinapagtago kami ng mga magulang namin kapag dumadaan ang mga Hapon. Ngayon, maririnig mong madalas, ‘Mga hija, mag-ayos na kayo, nandyan na sila Papa-San!”
“Nung panahon namin, pagkagat ng dilim, kailangan nasa bahay ka na. Ngayon pag dumilim, saka kayo nawawala.”
“Nung ako ang nag-aaral at nasira ang sapatos ko, tatahiin ko yun ng puting sinulid at ikakaskas ko sa puwet ng kawali para maging kulay itim.”
“Nung panahon namin, ang babae nauunang idulog sa altar bago bulog. Ngayon baliktad na, bulog muna bago dulog!”
“Nung panahon namin walang Linkin Park. Hanggang Luneta Park lang kami!”
“Nung araw, wala kaming mga napkin! Yung napkin namin ay katsa. Nilalabhan namin pagkatapos gamitin.”
“Noong kapanahunan namin, dumadayo pa kami ng Bocaue, Bulacan para makahanap ng chicks. Ngayon, sa Quezon Avenue lang, marami na!”
“Nung kapanahunan namin, mas malaki ang panty kesa sa panyo, ngayon, baligtad!"
“Noon, kailangan hawiin ang panty bago makita ang puwet. Ngayon, kailangan hawiin ang puwet bago makita ang panty! "

Bob Ong

PAG-IBIG
"Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.""Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
"Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

"Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
"Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.""Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
PAG-AARAL
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."
"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."
"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."
"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY
"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"
"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

JEEPNEY

Tara!Makisakay na kayosa mala-biyaheng kwento ko!
Sa tuwing sasakay ako ng jeep, ang daming pumapasok sa isipan ko. Sa tuwing may naiisip akong idea o bagay-bagay, eh inilalagay ko ito sa Cellphone ko at tsaka ko nalng ililipat sa computer pag ka uwi ko ng bahay (nag rerent lang ako wala akong pambili eh)...Jhaylia: Mama! Bayad Po!
Naranasan mo na ba minsan sa buhay mo ang araw-araw sumakay
at maupo sa loob ng jeep? Nakatingin sa kawalan na dumadaan sa iyong mga paningin. Napapatingin sa mga kasakay na hindi mo kakilala at hindi mo alam san sila patungo. Hindi mo alam ang dahilan na bakit minsan kayo’y nagkakangitian.

Madalas ganyan parati ang ginagawa ko lalo na kung may malalim akong iniisip –bunga ng puyat at antok – madalas akong sumakay ng jeep patungong trabaho at kung san man ginusto ng utak ko. Madalas pagnauupo ako sa loob ng jeep, hindi ko maiwasan ang mainip o matulala sa lalim ng iniisip lalo na kung trapik at malayo-layo pa ang aking pupuntahan.

Habang naiinip sa biyahe, tinatanaw ko ang bawat dinadaanan at minsan tinititigan ang bawat mukha ng nakakasakay. Sa araw-araw, libo-libong tao ang nakikita ko, nakakasakay.
Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko. Naitanong mo na rin kaya minsan sa sarili mo na;

Ako lang kaya ang tao sa mundo na nilikha ng Diyos?
Tao rin kaya sila o instrumento lang ng Diyos sa buhay ko?

Ano kaya ang buhay nila nila? Ano kaya ang naiisip nila minsan? Natatanong din ba nila sa kanilang mga sarili na sila nga lang ba ang taong nilikha sa mundo?
Paano kung ako naging sila at sila naging ako?

Minsan naiisip ko sa sarili ko ang mga bagay na iyan. Totoo nga ba ang iniisip ko? Kung ako ang mawala sa mundo...katapusan na rin kaya ng mundo?

Anu kaya ang pakiramdam kung ako naging sila, at damahin ang sarili at mag-isip tulad ng iniisip ko. Maramdaman ko kaya ang ganitong pakiramdam sa katauhan nila?

Merong oras na kinaiinisan ko ang buhay ko. Bakit ganito ang ibinigay Niya sa akin. Anu ba ang magiging kapalaran ko? Habambuhay ba ko’ng ganito? Hindi ko naman sinisisisi ang Diyos pero minsan talaga merong pagkakataon na puro kamalasan ang dumadating sa buhay ko. May araw na kinatatamaran ko ng magtrabahaho o gawin ang dapat kong gawin.
Kinasasawaan ang araw-araw na gawain, mula sa paggising sa umaga para pumasok hanggang sa pagtulog. Sa araw-araw ba na ako’y nabubuhay, ganito ko lang ba ie-enjoy ang buhay ko? Yung tipong, gigising sa umaga para mag-aral o magtrabaho, at pagdating sa trabaho, magkukunyari ka na masaya ka sa buong araw at makikipagplastikan ng ngiti sa mga kasamahan. Nakakainis isipin, bakit kailangan ko tong gawin...para mabuhay? Para may makain? Para kumita? Naiisip ko minsan sa sarili ko, paano nga kung ibang tao ako ngayon? Maging masaya kaya ako? Nanaisin ko pa rin bang maging ibang tao? Ang tao ay ginawang complex na nilalang. MInsan sa sobrang komplikado ng pagiging isang tao, hindi ko na maintindihan kung anu’ng gusto ko sa buhay, at kung sino o ano ba gusto ko’ng maging.
Isa ako sa libu-libong tao na nakakasakay ninyo sa pag-upo sa jeep. Ang bawat isa sa inyo ay ako, at meron ding parte ng pagkatao ko ang makikita nyo sa ilan sa sarili nyo. Ganito man ako sa ngayon, sana naman makahanap ako, kahit isang rason lang, kung bakit pa ako nilikha sa mundong ito. Ano nga ba ang purpose natin sa buhay?

Iba-iba ang uri ng taong nakakasakay natin sa jeep. Mga estranghero na minsa’y nabibigyan natin ng kongting pagbati o ngiti. Minsa’y nakakakwentuhan sa tuwing may trapik. Yung iba nagiging kaibigan.

Sa bawat mukhang nakikita ko:
mga taong masama ang gising, mga puyat, lasing, nasa mood, magkakabarkadang maiingay na nagkukwentuhan at tawanan, mga nanay na nagpapasuso ng anak nilang sanggol, sa mga nakasabit lang, batang kandung-kandong para makatipid sa pamasahe, mga mahilig mag-1-2-3, senior citizens, isang buong pamilyang papuntang mall upang magbonding, magsyotang walang ginawa kundi PDA, inaalimpungatan sa antok, isnabero sa pag-abot ng pambayad, walang sawang nagti-txt, nagsusuklay, nagreretouch ng make-up, mga lalaking madalas umupo sa unahan, naligaw ng sakay, mga lumagpas ng bababaan, mga naiihi na sa gitna ng biyahe, kinakabahan at nagmamadali dahil male-late na, at kung sino-sino pa, dahil sa inyong lahat, naisip ko ang buhay ay parang isang jeep lang. May pasahero mang sasakay, bababa at tuluyan nang mawawala, meron pa ding taong sasakay, mga taong isang beses mo lang siguro makikita sa loob ng jeep. Sa dami ng tao sa Pilipinas, iba’t-ibang itsura at personalidad, hindi na natin kailangan pang kilalanin sila at makakwentuhan. At sana sa loob ng jeep na ito at habang tinatahas ng jeep na ito ang daan papunta sa patutunguhan ko, ay mahanap ko sana ang kaligayahan at sagot sa mga tanong ko.

Mama, Para na po dyan sa tabi!

"ROMALIA"

yan nga pala ang girl friend ko girl friend ko na mahilig kumain ng kumain, matampuhin makulit matalas ang memorya Sobra kahit na ung sinabi ko 5 taong na ang nakalipas alam parin nia hangang ngayon mahilig siang kumanta minsan nga pati ako napapakanta nia madali ding mag init ang ulo nian kaya minsan di ko nalng sinasabayan dhil malamang magaaway lang kami na ayaw ko mang yari!! dhil pag kami nag away lagi akong talo!! hehe mahilig siang manuod ng mga movies ang favorite nian ung "IF ONLY" mahilig din sia kumain ng matatamis at maaasim sa matamisa ang paborito nia ung black forrest na cake sa maasim naman ung manga indian mango mahilig sia sa itlog ng pugo pag kami ang magkasama puro kain lang ginagawa namin kahit mga pera namin nauubos sa kakakain kaya eto parehas kaming Mataba^_^ naku nagkamali ako ng nalagay patay nanamana ko nito pag nabasa nia na mataba sia gusto nia kasi sexy sia hehe pero infairness sexy naman tlaga sia chubby lang madami ciang gusto na hindi ko maibigay sa kanya naiinis nga ako sa sarili ko sana lahat ng gusto nia maibigay ko para lang maging masaya sia sana akin nalng sia habang buhay kasi parang siya payaso ko pag may problema ako at makita ko siya napapngiti ako eh hehe ewan ko di ko alam cguro merong lng kung anu sakanya na nakakapag pasaya sakin!!

"'Tom Sawyer""

Tom Sawyer sino b namang tao ang hindi nakakakilala sa karakter na si tom ang batang makulit pero mabait isang karakter na gagawin lahat para lang hindi maging masama sa paningin ng ibang tao ang mahal niya na si "Becky Thatcher"
at para din sa matalik na kaibigan niya na si "Huckleberry Finn" handa niyang akuin ang kasalanan ng iba para lang mapagtakpan ito lalu na kung importante pa sakanya ang tao na un.

Para sa mga hindi nakaka kilala kay Tom Sawyer, Becky Thatcher, at Huckleberry Finn
Hindi Kayo nag daan sa pagkabata!!^_^

"BIDAM"


haha Bidam Bidam Bidam!!
isang karakter lang naman si bidam sa patok
na korean drama ngayon sa primetime na ang pamagat ay "QUEEN SEUN DEOK "
oo Aminin Ko magaLing Na artista si bidam ang mahirap tangapin dahil sa sobrang gwapo
niya pati girl friend ko na inlove na sakanya pakiramdam ko pag nakita ng girl friend ko si
bidam ng personal makakalimutan na niya ako eh!! hahah kainis pero ok lang dun masaya girl friend ko ehh wahahah sino ba naman ang di maiinlove sa ganyang klase ng tao minsan tinatanung ko sa sarili ko bakit may mga ganyang klase ng tao masyadong gwapo nung nagsabog ata ng ka gwapohan ang dios lumabas sila ng may dalalang plangana at sinalo lahat di man lang nagtira kainis..